ganda ng tour namin kanina.. cnundo kmi ng 8am sa hotel ng van.. ang maganda dun, kming lima lng ang sakay, wlang ibang tao. mga 2 hrs din ang biahe namin papuntang Halong Bay. dumaan pa kmi sa silk shop para sa mga tourists.
sobrang nag njoy kmidun.. sumakay kmi sa boat, yung parang junk sa chinese, pero nde naman tlaga xa junk kase malinis sa loob.. solo lang naming lima plus yung tour guide namin, si Phong. ang gulo namin atang daming pictorial. pumasyal din kmi sa loob ng malaking kweba.. may walking tour dun.. mejo napagod kmi porke ang taas ng inakyat naming hagdanan, pero pagdating namin sa kweba ay malamig kya masarap maglakad. pagbalik namin sa boat, kala namin ay kakain na kmi.. gutom na kase kmi sa pagod.. pero bumaba kmi sa isang floating village.. nagbebenta sila dun ng mga sifuds. wag na nating ituro sa pinas ang village na to, dahil baka gayahin ng mga squatter. mga 2pm na kmi nag lunch, pero sulit naman, dahil masarap ang hinain na hipon, rellenong alimango, fish, at ang wlang kamatayan na viet rolls(lumpiang shanghai lng yun. sa busog namin ay nakatulog kming lahat sa boat. pagkagising ko, nag enjoy tlaga ako sa cruise dahil napaligiran kmi ng mga bundok.. ang lamig, ang sarap ng hangin, at walang araw.. napaka peaceful ng feeling.. parang wala akong problema :) sobrang narelax ako dun.
nung pabalik na kmi sa hanoi ay dumaan naman kmi sa ceramics shop. nde na kmi nagpahatid sa hotel dahil may hinahanap kming bilihan ng ice cream kahapon pa, at dun nlang kmi nagpababa.. bumili kmi ng tig iisang ice cream.. nde naman nila nagustuhan hahahah... tinapon nla.. kmi lang ni fr didoy ang nakaubos. tapos nagtaxi nlang kmi pauwi. nagpareserve kmi ngayon sa spa. pamasaj muna kmi mamya... yes!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment