Monday, April 14, 2008

1st day in Hanoi

4am na kmi natulog kninang umaga kase 2am nag-land ang eroplano namin.. dto kmi sa Hanoi Plaza.. mejo maliit na hotel, pero nsa sentro ng old quarter hanoi.. roomates kmi nla ava n theresa... c pentay ay rmmate ni fr didoy hehe.. ginising naman ako ni theresa ng 9am para mag breakfast. kumain narin ako kahit di ako nagbbrekfast kase sayang. sa room nla pentay, may computer.. samin, wala :( pero dto kmi ngayon ni ava sa lobby kase may dlawang computer. nanlalata na kmi sa init kase namasyal na kme. dto muna sa tbi tabi ng hotel.. puro tindahan, pero dko naman type ang mga mbibili dito, parang nsa soler at arranque lang kmi, ang init at maalikabok. pero ok yung lunch namin.. viet fud..parang noodles lng na may isda at gulay.. excited kminung makakita kmi ng iba pang shops pero hanggang ngayon ay wala pa kong nabibili.. mukang mas madami pa kong mbibili sa dvisoria at 168 dahil ang babaduy, parang talipapa lang. milyonarya pa naman ako dito dahil ang exchange rate ay $100=1,600,000 viet dong.

masaya naman ang pasyal namin knina.. bumili kmi ng salakot at nagpa tour sa cyclo.. parang tricycle nila, pero ang pasahero ay nasa harap, at ang driver ay pumapadjak sa likod. nagpictorial nrin kmi sa HoChiMinh mausoleum, at 1-pillar pagoda. tnamad na kming pumunta sa museum of literature dahil ang init nga, sobrang napagod kmi. plagay ko ay malaki ang initim ko. eat pa kmi ng ice cream sa daan.

bumalik muna kmi sa hotel ngayon para makapag c.r. man lang. alis uli kmi mamya.

pagkarest sandali ay sumama ako k ava sa labas. wla tlaga akong mabili. napagaya nlang ako k ava sa pagbili ng scarf. uwi ko para k nay and tit. maganda naman..

kakauwi lng namin ngayon... hatinggabi na.. grabe naman kinain nimin sa may lake.. may hotpot na, may sandakot na ulam pa. kala ko nga tig 500 pesos kmi eh, pero mura lang, tg 250 lng. ang dami naming natirang fud. dna nga nagalaw ang plain rice.. may rice crisis pa naman sa philippines hehe.. sa sobrang busog ko, dna ko umorder ng kofi or tea nang pumunta kmi sa kapihan. tlagang wla nang space sa tyan ko, kahit para sa tea man lang.

ok, ligo and sleep na ko... maaga kmi tom para sa Halong Bay tour.

No comments: