Wednesday, April 30, 2008

Si is Sik

tanghali na ko gumising dahil sa pagod khapon. nag empake ako ng ddalin sa baguio. pnatignan ni tay sakin c nay kung nilalagnat. sbi ko nde. pero di mpakali c tay. di namin mkita ang thermometer kya nagpabili nlang kmi k evelyn. pagtingin ko ay 38.8 ang lagnat :( sa kwarto nlang xa naglunch at pnainom ko ng berroca at tempra. kalka ko ay lusot xa sa lagnat kase kkapainject lng nla ng anti-flu last wk. papunta pa naman kmi sa baguio tom :(

pumunta pa ko sa 3 deds. mga 3 hrs ako k mrs sarmiento kase nhihiya ako na di ako mkakabalik at makkapaglibing sa linggo dahil nga sa baguio. pnadaan ko din c bwi at papot dun. cnabay ko na c papot sa examiner. ang mga bata naman ay nag examiner na from bocaue. masaya ang mga bata dahil binigyan cla ng baon nla lola dely at lola shirley... ang baon naman namin ni papot ay proceeds fr our ukay ukay sale, na dnala na ni enciang knina.

sa examiner ay andun na c aj, kkadinner lang. tapos nagdinner kmi ni papot. hintay ko ngayon enciang dahil dto nrin mtutulog.

dlawang sasakyan na lng kmi dahil umatras na ang pamilya ni 7, pati c nem at jenny ay dna sasama. ang sakay ng van tom ay re mi fa twit brian enciang aj inday. k gentry naman ay kasama nya cna dimple trisha yaya gingging. ol in ol ay 13 kmi! baka patulugin namin sa condo ang isang anak ni cris na caretaker para naman nde kmi 13. ksama din ako (monqui) at c junior. yehey!

Tuesday, April 29, 2008

Long Bz Day

maaga ko gumising para makipagmit k dra johanna, kasama ni kuyado sa hosp, na nagdala ng gamot ni tay. punta kong mag isa sa blvd mansion sa roxas blvd, at kinapalan ko na ang mukha ko, kase ang dami pla nla dun, tapos, ang bigat pa ng mga dokumento na pnapadala ni kuyado sa US. saktong 9am ay andun na ko. naabot ko na rin ang binili kong polillos at argellanas kahapon. ininvyt ko din clang magdnner para naman mamit cla ni tay n nay.

pagkagaling ko sa blvd mansion, ay magkikita kmi ni bwi sa dental convention. dapat ay isusurprys namin c cancan na nagpopromote ng hapi tutpaste, pero sa macapagal ave ay nahuli ako ng pulis for swerving daw (kahit nde naman). nalusutan ko naman ang pulis dahil nakilala kmi ni tay, pero nadaan pla ang taxi ni can at tnex nya ko kung ako ang nahuli ng pulis. nde na tuloy namin xa nasurprys ni bwi. buti nlang, nakasabay ako k can pagpasok dun kase naghahanap ng ID, eh nde naman ako delegate sa convention. nagkita din kmi ni bwi agad sa loob. umikot ako dun, akala tuloy ay dentista din ako. panay ang lapit ng mga ahente k "doktora" hehehe... after an hour ay sumakit ang tyan ko kya ang aga kong pumunta sa sofitel para mkapag cr. trit naman ni cong trisha ang barkadahan namin, kasama ang mga counclors ng 4th dist. grabe buffet dun, mbubundat ka. lahat na ulam yata andun na, pati mga desserts na cakes and fruts. xempre, napakamahal ng buffet na yun. njoy kming lahat kya sbi ko k trish dapat ay plagi xang magtitrit dun para plaging masaya at magkaron plagi ng reunion, hehhehe... gusto pa sanang lumabas nla joy at ava pero sbi ko dun nlang kmi magkape tutal hapon na chaka may dnner pa nga ako.

nakapagrest pa ko sa pgevarra ng mga isat kalahating oras, habang may singing lessons c twit, tapos ay sinakay ko na cla tay nay and tit para imit cna dra johanna sa tonya's seasyd. nag order na ko agad habang wla pa cla. mag 10 minits nang nakahain nang dumating cla. masaya ang kuwentuhan namin. masarap din kase clang kausap at mbabait. sayang wla c papot kse may pnuntahang bday. c bwi naman ay sumunod samin. buti dumating xa kase pinacard ko muna sa kanya. mga walo cna doktora, ksama mga kapatid nya and in laws, pero wla ang husband nya kase napagod sa pag ikot sa mol of asia. nde namin naubos kaya pnauwi ko sa knila ang inihaw na baboy, at inuwi namin mga alimango.

pagkahatid k tit sa pedro ay sinama ko naman c papot samin ni tay n nay para puntahan ang namatay na asawa ni ch sarmiento. shocked ako sa nangyari kaninang umaga... naghihiwa lang sya ng lulutuin sa may labas ng bahay nila sa eskinita, nang may bumagsak na isang slab ng concreto galing sa katabing bldg, at bumagsak exacto sa ulo nya :( grabeng axidente yun. shocked and sad ako kase napakabait sakin at madami tlagang kaibigan. wla pa ang patay pagdating namin pero nagtagal din kmi dun dahil andun na ang barkadahan. bbalik nalang ako tom. nahirapan naman c nay kase from pgevarra hanggang sa punerarya, hanggat umuwi kmi after an hour ay inubo xa nang inubo. di namin alam kung bakt dahil wla naman xang ubo kanina. cguro ay nainitan sa loob ng koche dahil nang sunduin namin c papot ay nag cr muna kmi ni tay pero c nay ay pumasok na sa koche. bka nainitan, tapos nang buxan ko ang ercon ay bigla naman cgurong nalamigan. ewan ko :( nde na xa nakapagrosary sa bahay dahil napagod sa kakaubo. pnainom ko nalang ng benadryl.

c papot naman ay hiyang hiya dahil nang hinatid ko xa sa bhay nila ay exacto namang nasa labas ng bahay c tit at manang... alam na namin... nagagalit c tit dahil npakaingay ng basketbol, eh gbi na at dun pa nalagay sa tapat ng bahay. lagot, mga isa o dlawang buwan dun ang basktbol, kaya matagal din nyang aawayin ang mga kapitbhay hehhe...

pagod din c bwi.. after dner ay bumalik pa xa sa convention, chaka natetens na din yun dahil maagang magdadryv papuntang baguio sa thurs, eh maaga uli ang lakad nya tom.

eniwei... dahil pagod ako at busog pa, ay cguradong msarap ang tulog ko ngayon. nytie! ZZZZzzzzz...

Monday, April 28, 2008

Pasyal Day wd Chie and Bianca

maaga akong tnawagan ni dra johanna, kasama ni kuya do sa hosp. magtatawagan kmi sa gbi kung anong oras kmi magkikita para makuha ko ang gamot na padala ni kuya do para k tay.

bago ko cnundo cna chie and bianca ay bumili muna ko ng pasalubong para k dra johanna at k bianca. buy ako ng polillos de milan at argellanas. nagpabili din c papot ng polillos at nachos. umutang lng ako k evelyn ng 2thou. kya lang tom ko pa mkukuha k papot yung pnawidro ko. inikot namin ni chie and bianca ang buong trinoma. naglibre c chie ng mcdo at taco bell. sobrang busog ako, yun na bale ang dnner ko. njoy kming tatlo. nde rin maxadong malikot c bianca. nakahawak lng samin ni chie. sa national buxtor lng tumakbo. tinawagan ko uli c dra johanna kse baka magtrinoma daw cla, pero sa bonifacio high yata cla napunta kya tom 9am ko nlang xa puntahan. 8pm ako nasa bahay.

Sunday, April 27, 2008

Birthday Ko!











26 yrs old na ko ngayon.. sinama nla kmi ni bespren junior excalibur sa bigaa kase fiesta. ang nandun lang ay kmi nla tay nay re mi fa tweet brian, diche n tta kulo, tto jun, tta ludy enciang, and 7's family. ang sarap ng kalderetang dala ni nay, big hit na naman. may dalang menudo at pancit canton cna diche. nag pictorial kmi ni junior excalibur, courtesy of enciang and tweet. napakanta naman c tweet ng 'yesterdays dream' kase bigyan xa ni nay ng P100. pagkamerienda ng ginatang halohalo ay dumaan lng kmi sa simbahan at umuwi na.

sa bhay ay nagshowdown sa videoke cna tweet at repot. kahit super pagod na c repot ay nkipag vjoke pa xa kay tweet. sayang naman kse dahl simula nung recital ay ganado nang kumanta c tweet. dahil sa kantahan ay parang may party ang bday ko. tapos hinatid na ni bwi cna papot sa kanila. umalis din c repot at may dnaanan pang 2 bdays. ginabi na din xang umuwi kase cnamahan pang mag grocery c papot sa SM.

hapi bday to me! :)

Saturday, April 26, 2008

Wedding and Badminton

nag anak ako sa golden weddng kanina :) buti nalang, may tubig na pagkagising ko. pero 330pm pa naman ang kasal. aga ko sa paco church, 3pm plang dun na ko. at least, nde ako natense. nagrest nlang ako sa koche para di ako mainitan. masaya naman, sa church pati sa reception. tnapos ko ang reception til 8pm. umuwi lang para magbihis at tumakbo na sa badminton! :D cna tay nay papot tweet n bri ay magkakasamang nagsimba sa national den nag dnner cla sa jay-jay's chicken inasal first tym ni papot na ginamit ang rav4. hiniram ko kase c jessie pati car ni tay para sa wedding. c bwi naman ay umatend ng ibang weding.. gusto pang mamasyal nla tay kaya sumama clang lahat sa BF. habang badminton ako ay pumunta cla kna tto jun. grabe pagod ko... 5 lang kming players, ako, enciang, nem, 7, aj. eh madaling mapagod c aj kaya plagay ko, kmi ni enciang ay naglaro ng 5 or 6 games. sa last game ay nanlalata na tlaga ko.. pero natapos pa din namin ang 2hrs na reservation. mga adik! :D

Friday, April 25, 2008

Success!

ngayon lng kmi uli nagkita ni corina.. naglunch muna kmi at nagchikahan bago nag ikot sa tiendesitas.. xempre naligaw na naman ako sa pagpunta dun! wlang katao tao kahit friday. bumili xa ng mga damit and toys para sa aso nya hhehehe.. sayang nga lang at pagkamerienda namin ng turon at pakwan juice ay sumakit na ang tyan ko kya nagyaya na kong umuwi. buti nlang at tama ang direksyon ng pulis sa pa uwi ko. sa libis ako dumaan, ang bilis.. kesa naman sa edsa.. ayun, successful ang aking pagpupu :D

sa gbi ay nagdala na naman kmi ni papot ng ukay ukay gudis kna enciang. ang dami uli naming items, dala ng matinding pangangailangan hehehe... nag bake c enciang ng masarap ng chicken pie, parang yung mga binibili sa labas. flaky xa. may watermelon-banana juice din. sarap, nabusog ako. burp!

bad trip ngayon pag uwi namin... wlang tubig! huhuhu.. sana magkaron na bukas dahil mag aanak ako sa kasal.

Thursday, April 24, 2008

Brian's 1st Piano Lesson

kahapon ay sumama lang ako kna papot hon twit and bri sa 168. madami kasing nakolekta si twit nung recital nya, kase gusto nyang bumili ng toys. pati si brian ginastos ang nakolekta nya. bumili lang cla ng konting toys.

grabe puyat namin nung isang gbi. kasi may emergency na paxente c bwi. umuwi xa ng hatinggabi sa bhay pero bigla ulit umalis at pumunta sa clinic. 2 days na kseng nagbibleed yung binunutan ng ngipin. tinahi nya at pinachek up na rin sa UST hosp. pero yung paxente naman pla ay tlagang may sakit tungkol sa blood clotting. 7am na nakauwi si bwi! very thankful naman ang paxente at pamilya nito dahil sa tiyaga ni bwi. nde daw cla nagkamali sa pagkuha k bwi. sbi naman ni bwi, xa yata ang nagkamali at kinuha pa clang pasyente hehehe..

masaya kmi sa pedro kanina kase excited c brian sa kanyang 1st piano lesson.. na inspire yata xa ng mga bata na napanood nya sa recital.. nagyabang agad sa nanay nya na panoorin xang magpiano eh do at re pa lang ang alam heheh.. c tweet naman ay lalong ginanahan kumanta. biglang nagkaron ng self confidence simula nung nag recital. hinahamon pa ko ngayon na mag showdown sa videoke. eh nde namin yun mapakanta dati kahit kami kami lang sa bahay. maagang umuwi c papot para panoorin ang mga anak nya.

Monday, April 21, 2008

Spa

pinuntahan ko muna c papot sa bank, tapos pnauwi nya sakin ang biniling ensaymada at taisan, pati ang polvoron na bgay ni ate beth. tapos dnalaw ko c tta dely.. ok na xa, pnapanod nya magswiming ang mga bata.. masaya nga daw c twit at bri.. nde pa daw nag aaway cmula nang magswimming. tapos tumakbo na ko sa wensha. kmi nlang ni ava ang nagpamasaj. may mtg teresa. c pentay tnamad na. ang sarrraaaaap ng fut masaj dun, halos buong katawan minasahe. c ava ay nagpaful body. nag erly dnner na rin kmi dun. dapat yun na nga ang hapunan ko pero pagdating ko sa bahay sinabayan ko uli cla nay n tay. may lakad na c ava wd ally. iniwan ni ava car nya dto.

kakaakyat ko lang uli kase dumating ava n ally. nagpacarwash cla sa kapitbahay. nanod nlang kmi ng big bro at kumain ng polvoron.

Sunday, April 20, 2008

Tweet's Recital

Ilang araw nang ninenerbyos ang mga tao dto dahil ngayong araw ng Linggo ang recital ni tweet sa UP Abelardo Hall. kahit nung nasa vietnam ako last wk, ay iniisip ko ang recital ni tweet. knakabahan kmi dahil sobra din ang nerbyos ni tweet. sa final rehearsal kahapon ay parang maiiyak na daw xa sa kaba at tnanong pa niya ang nanay nya kung nakakamatay ang kaba heheh...

mga 11am ay sinundo muna ni papot c tta dely sa pgevarra. dto kming lahat naglunch. naunang umalis cla papot n kids dahil dapat ay andun na c twit nang 130pm. Ang ganda ni tweet kase AKO ANG NAG MAKE UP, hahahha.. wlang kokontra!

eto na... mejo nahirapan umakyat sa 3rd flr cna tay and tta dely pero ok lang naman, dahan dahan lang kmi umakyat. maganda ang upuan namin, nasa gitna kmi. c papot ay nsa first row kasama c twit. dumating din mommy ni hon. c twit ang ikatlong nag piano.. mejo mahina ang dating pero naririnig naman. eto naman c papot, sakin pa pnahawak ang camera para mag vdeo, eh nde naman ako sanay mag ganun. c bwi kase may dala ding camera para magpikchur. grabe... nangangatog kamay ko habang kinukunan ang "mary had a little lamb" at isa pang piyesa. sobra naman, mary had a lil lamb lang, ang lakas na ng ngatog ko.... eh lalo naman nun kakanta na c twit, hihimatayin na ko! 2nd xang kumanta. yung nauna ay cute, 5yrs old lang at panay pa ang sayaw kya lalo akong knabahan. eto na... tumugtog na ang "yesterday's dream".. nakakaasar kase parang may nilulutong chicharon yung tunog ng plaka, kumukurok... after 3 lyns ng song ay pnahinto c twit. edi lalo naman akong knabahan! kse inisip ko, baka maiyak na c twit sa nerbyos. galit na si lola shirley kase bakit nga naman daw nde maayos ang tugtog ni twit, eh kung madiscourage ang bata, lagot na. edi inulit ang tugtog, Dyusko, himatayin na ko! nangangatog nga ang pag vdeo ko.. nang matapos ang kanta ni twit ay... ehem... pnakamalakas po yata ang palakpak k tweet.. pero pagbaba ko ng vdeo ay nangatog ang mga kalamnan ko.. nde pa ko ang nanay nyan! ninang lang ako! c papot naman pla ay pawis na pawis kahit malamig sa room. biniro pa xa ng isang parent na muka daw xang nerbyos na nerbyos hehhe.. c mommy shirley lang ang nde knabahan dahil malaki daw ang tiwala nya k twit. kmi ni nay at papot ay hihimatayin sa nerbyos.

2 hrs ang recital, kasama na ang distribution of certificates. sa dance number ng lahat nang nag recital ay mejo nangingiti na c twit kase tumitingin na xa samin. sa piano kase nya at sa pagkanta ay nde tlaga mangiti, sa nerbyos cguro.

xempre, nagbigay na c lola shirley ng envelope.. ako naman ay nagbigay lang ng bukmark fr vietnam hahaha... c nay ay 500...

nag blo out c papot sa mcdo kase dun ang gusto ni twit. sus, lahat nang gusto ni twit ay inorder namin. masaya kmi.

kaya lang pagbalik sa examiner.. biglang nasuka c tta dely paglabas sa kotse :( plagay ko ay nangasim ang tyan sa spagetti kase nung lunch ay konting konti lang nakain nya... nag rosary pa kmi.. after rosary ay nasuka xa uli :( pnabigyan ko ng warm water. habang tnutulungan xa ni inday ay nasusuka na din c inday.. tumakbo inday sa labas at nagsuka.. kase pla, nasusuka inday pag may nakita xang nagsusuka hahahaha.... gusto sana ni bwi ay magpahinga muna c tit bago umuwi sa pedro, pero gusto na nyang makauwi. una akong umalis kasama cna papot n kids dahil may puntahan pa kong 2 bdays and 1 bingo, chaka kausap ko c chie na magkape ng 930pm. binigyan pa ni tta dely c twit ng 500.. c bwi naman ay nagbigay ng 200. pati c brian ay nakakolekta ng total of 250 kahit alalay lng xa ni twit hehehe... nag SM pa clang mag anak at binili ni hon ng guitar c twit bilang prize, pati c brian ay may toy. dinaanan ko c tita dely sa pgevarra bago ako umuwi pero tulog na tulog na xa :( sbi naman ni manang ay nde na nagsuka sa bahay.

10pm na ko nakarating k chie. nag kofi jely kmi sa starbax at sa dami ng kuwento ay 1230am na kmi nkauwi. :)

Saturday, April 19, 2008

Nay's treat

salamat at nakabawi na ko ng tulog.. 11am na ako nagising kanina.. sarap tlaga matulog..

pumunta lang ako sa isang ded kanina, tapos nagsimba na kmi sa ust. ang buong family including tta dely ay dumirecho na sa aling tonyas sa dampa. nilibre kmi ni nay ng suahe, sinigang na isda, alimango, talaba, inihaw na baboy, n pusit. lahat kmi ay madaming nakain, pero nde pa rin namin naubos. pnabalot pa namin lahat na natira at knain ni hon sa bahay.

10pm na ay pumunta pa kmi ni papot and bwi kna enciang para dalhin ang mga addtl ukay ukay. nagdala c papot ng damit ng mga bata. ako naman ay mga lumang bags n wallets. takaw ni bwi.. kumain pa dun ng california maki at durian. eat naman ako pakwan n potato chips. 12mn na kmi nakauwi.

Friday, April 18, 2008

Im Back!

na delay pa ng one hour yung flight namin fr hanoi kaninang madaling araw. kya 6am na ang landing kanina. buti nlang matiyaga si teresa na ihatid kming lahat pauwi. c ava ay cnundo ni tto gg at jepoy. pumasok ako sa bahay na naka salakot kaya natatawa c evelyn. pagkatapos ng kwentuhan at bigayan ng pasalubong kna tay n nay, naiwan na ko dto sa bahay. kala ko ay madali akong makakatulog dahil puyat nga. grabe.. nde ako makatulog, kaya ang bigat na ng ulo ko. ang hirap ng feeling mo puyat and pagod tapos dka makatulog, para kang adik! uminom ako ng benadryl, pero mga 1 hr and a half lang ako nakatulog. naghanap nalang ako ng mga items na puwedeng ipa ukay ukay, tapos nilinis ko. tamang tama naman, dumating enciang kya tnapos ko na ang telebabad namin ni teresa at naligo na ko. binigyan ko din xa ng scrapbuk na lacquer.. c tta ludy, pnadalhan ko ng lacquer na glass coasters, pati c ann, pnadalan ko nlang ng salamin.

wla akong pasalubong kna twit n bri kundi ang tig dlawa clang viet ppl, yung maliit lang na istatwa ng mga viet. hehe natuwa na cla dun. lalo naman clang natuwa nung binigay ko na ang psalubong ni teresa sa kanila.

nagyayaan kming magkape nla enciang, bwi, n papot. nag nachos lng kmi at juice sa arte's cafe.. kya lng 11pm plang, nagsasara na cla kya napaaga ang uwi namin.

Thursday, April 17, 2008

Water Puppet Show

nag ikot ikot uli kmi dto sa tbi tbi at paisa isang shopping, bago nag lunch sa resto na mlapit lang sa hotel. manod kse kmi ng water puppet show mamyang 3pm. shabu shabu (hotpot) ang lunch namin.. parang kumain kmi sa gloriamaris..

ang sarap ng tulog namin sa puppet show hehehe... kmi yung group na nakatulog ang lahat na members... hehehe... cute naman xa, kya lang viet ang salita chaka cguro pagod na kmi, tapos aircon pa, kya sleeping beauty kmi. nagkape kmi bgo umuwi. tapang ng kape namin.. malamang gising kming lahat sa eroplano mamya.

dto na kmi uli sa hotel, mag rest nlang, dnner mamya, tapos mga 10pm punta na kming airport dahil 1am ang flyt namin. 5am kmi drating sa mla.

bye hanoi... tenkyu! :)

Wednesday, April 16, 2008

Rest Day

porke narelax kmi sa masaj namin khapon at wla naman kming pupuntahan, late na kmi gumising knina. nagkitakits nlang kmi sa Dong Xua, mukang central mkt natin. dun kmi namili ng mga chipipay na mga pasalubong. nbili ko na lahat sa 400,000 viet dong, halos 1,000 pesos lng.

msarap lunch namin.. punta kmi sa resto na nirefer ni johnny, yung sa hotel na may crush k ava. njoy ako sa fud kse pamilyar sakin, mga tapa, grild pork, viet rolls, pho, ang order namin. sa tapat nun kmi kumain ng ice cream :)

naglakad lng kmi sandali at nagshopping pa cla tapos umuwi na kmi uli. dto muna kmi hotel. maglalakad nlang sa labas mamya.

Tuesday, April 15, 2008

Halong Bay Tour

ganda ng tour namin kanina.. cnundo kmi ng 8am sa hotel ng van.. ang maganda dun, kming lima lng ang sakay, wlang ibang tao. mga 2 hrs din ang biahe namin papuntang Halong Bay. dumaan pa kmi sa silk shop para sa mga tourists.

sobrang nag njoy kmidun.. sumakay kmi sa boat, yung parang junk sa chinese, pero nde naman tlaga xa junk kase malinis sa loob.. solo lang naming lima plus yung tour guide namin, si Phong. ang gulo namin atang daming pictorial. pumasyal din kmi sa loob ng malaking kweba.. may walking tour dun.. mejo napagod kmi porke ang taas ng inakyat naming hagdanan, pero pagdating namin sa kweba ay malamig kya masarap maglakad. pagbalik namin sa boat, kala namin ay kakain na kmi.. gutom na kase kmi sa pagod.. pero bumaba kmi sa isang floating village.. nagbebenta sila dun ng mga sifuds. wag na nating ituro sa pinas ang village na to, dahil baka gayahin ng mga squatter. mga 2pm na kmi nag lunch, pero sulit naman, dahil masarap ang hinain na hipon, rellenong alimango, fish, at ang wlang kamatayan na viet rolls(lumpiang shanghai lng yun. sa busog namin ay nakatulog kming lahat sa boat. pagkagising ko, nag enjoy tlaga ako sa cruise dahil napaligiran kmi ng mga bundok.. ang lamig, ang sarap ng hangin, at walang araw.. napaka peaceful ng feeling.. parang wala akong problema :) sobrang narelax ako dun.

nung pabalik na kmi sa hanoi ay dumaan naman kmi sa ceramics shop. nde na kmi nagpahatid sa hotel dahil may hinahanap kming bilihan ng ice cream kahapon pa, at dun nlang kmi nagpababa.. bumili kmi ng tig iisang ice cream.. nde naman nila nagustuhan hahahah... tinapon nla.. kmi lang ni fr didoy ang nakaubos. tapos nagtaxi nlang kmi pauwi. nagpareserve kmi ngayon sa spa. pamasaj muna kmi mamya... yes!

Tiny Bubbles


Eto ang ganti namin k Teresa kse plagi kming pnipikchuran nang 2log hehe

Monday, April 14, 2008

1st day in Hanoi

4am na kmi natulog kninang umaga kase 2am nag-land ang eroplano namin.. dto kmi sa Hanoi Plaza.. mejo maliit na hotel, pero nsa sentro ng old quarter hanoi.. roomates kmi nla ava n theresa... c pentay ay rmmate ni fr didoy hehe.. ginising naman ako ni theresa ng 9am para mag breakfast. kumain narin ako kahit di ako nagbbrekfast kase sayang. sa room nla pentay, may computer.. samin, wala :( pero dto kmi ngayon ni ava sa lobby kase may dlawang computer. nanlalata na kmi sa init kase namasyal na kme. dto muna sa tbi tabi ng hotel.. puro tindahan, pero dko naman type ang mga mbibili dito, parang nsa soler at arranque lang kmi, ang init at maalikabok. pero ok yung lunch namin.. viet fud..parang noodles lng na may isda at gulay.. excited kminung makakita kmi ng iba pang shops pero hanggang ngayon ay wala pa kong nabibili.. mukang mas madami pa kong mbibili sa dvisoria at 168 dahil ang babaduy, parang talipapa lang. milyonarya pa naman ako dito dahil ang exchange rate ay $100=1,600,000 viet dong.

masaya naman ang pasyal namin knina.. bumili kmi ng salakot at nagpa tour sa cyclo.. parang tricycle nila, pero ang pasahero ay nasa harap, at ang driver ay pumapadjak sa likod. nagpictorial nrin kmi sa HoChiMinh mausoleum, at 1-pillar pagoda. tnamad na kming pumunta sa museum of literature dahil ang init nga, sobrang napagod kmi. plagay ko ay malaki ang initim ko. eat pa kmi ng ice cream sa daan.

bumalik muna kmi sa hotel ngayon para makapag c.r. man lang. alis uli kmi mamya.

pagkarest sandali ay sumama ako k ava sa labas. wla tlaga akong mabili. napagaya nlang ako k ava sa pagbili ng scarf. uwi ko para k nay and tit. maganda naman..

kakauwi lng namin ngayon... hatinggabi na.. grabe naman kinain nimin sa may lake.. may hotpot na, may sandakot na ulam pa. kala ko nga tig 500 pesos kmi eh, pero mura lang, tg 250 lng. ang dami naming natirang fud. dna nga nagalaw ang plain rice.. may rice crisis pa naman sa philippines hehe.. sa sobrang busog ko, dna ko umorder ng kofi or tea nang pumunta kmi sa kapihan. tlagang wla nang space sa tyan ko, kahit para sa tea man lang.

ok, ligo and sleep na ko... maaga kmi tom para sa Halong Bay tour.

Sunday, April 13, 2008

Papuntang Hanoi :)

grabae... papunta na kong hanoi mamyang gbi pero tnapos ko muna ang pagbisita sa tatlong patay kaninang umaga... tapos nagpa hair dye pa ko... buti nlang naabutan ko pa silang lahat dto sa bahay bago cla naglayasan, papunta sa kidi party c papot n kids.. papunta naman k jessie, na namatay ang dad-n-law, cna tay nay and bwi. ayos... tatapusin ko na ang pag empake ko.. babu!

Friday, April 11, 2008

ukay ukay

dnala ko na kna enciang ang mga ukay ukay gudis namin ni papot at hon. mejo namantot kmi sa pagcheck ng inventory. ok nga dun eh, may nabili na cna enciang, ann, tta ludy na mga bags and wallets ko, at blouse ni papot... si seven at tto jun naman ay may binili sa gudis ni hon... pumunta uli kmi sa wake ni mike.. kasakay ko cna tta ludy, enciang at inday. cnundo naman ni seven si nem. wala cla nay tay papot hon bwi tweet bri dahil bumalik cla sa bocaue. inayos ko na lang muna ang ukay ukay dahil papunta kong hanoi, vietnam sa sunday.

Wednesday, April 9, 2008

2 Deds

may dlawang importanteng patay kagabi... si mike na anak ni tta lina (sis of tta baby), at yung asawa ni tta santa na tta ni hon..

sayang at nde pa kmi nakapunta sa bocaue knina.. may usapan kse cla nay at tta angie na magla-lunch today at papasyal.. nang injan naman c tta angie, nde man lang tumawag d whol day.. pumunta nlang kami k myk sa gabi, sa fairview. andun kming lahat, pati ang mga cousins. tom afternun nlang kmi punta sa bocaue.

ang bantot ko kanina... pagkatapos kong mag treadmill, naghakot ako ng mga lumang damit, bags, shoes, wallets.. inempake ko lahat, para ipa ukay-ukay k enciang sa bhay nla. muntik na kong sipunin sa alikabok, tapos ang init init pa dto, grabe...

Tuesday, April 8, 2008

Congrats, Engr. Louie











pnaglunch kming lahat ni tta pole sa max's kanina dahil nakapasa sa bord exams ang panganay na apo, c engr louie :) ang saya kanina, busog lahat sa inorder nla. yung mga lolo n lola, nag halo-halo pa. si tweet n bri naglaro pa sa playgrnd. ako naman ay nag half regular chicken :D

pagbalik namin sa pedro ay nagmajong cla tay nay tit, habang nakikinig kmi ng voice lessons ni tweet. pagkamerienda ay tnuruan kong magmahjong cna tweet at bri, para naman maging kapaki-pakinabang ang kanilang summer vacation hehehe...

Monday, April 7, 2008

Bur-jer






holiday ngayon dahil na-move ang Araw ng Kagitingan today, imbes na sa wednesday ito sinelebrate.. dto nag lunch cla papot kasi walang tubig sa pedro, kaya dito na rin cla naligo. wala kming mapasyalan.. buti nlang, naalala ni papot ang wack-wack... exacto naman, nakita namin c chairman abalos.. nakipag picture taking kmi.. at umorder din kmi ng famous Ben's Bur-Jer.. masarap naman, mejo maliit lng. buti double patty ang inorder ni bwi. si papot, single lng, tapos tinikman pa namin kya nabitin xa. umorder pa tuloy xa ng chef's salad. yung mga bata at c tay ay nag ice cream. kmi ni nay ay nagsandwich. grabeng busog kmi kaya lahat kmi ay nde na nagdinner. may pnuntahan pa kong bday pero nde ko na tlaga kayang kumain..

pag uwi ko sa bahay ay nanod kming lahat ng big broder.. tapos tumawag c tta kulo k nay.. umiiyak c diche dahil habang nagpupunas xa ng muka ay biglang sumakit ang muka nya, na ang feeling ay parang nakukuryente, at namumula ang muka. kya tumakbo kmi ni nay at papot sa makaturing. iniwan namin si bwi k tay. pati ang mga bata, naiwan sa yaya, gabi na kse eh. pagdating namin dun, ok na si diche. tama c bwi, umaatak lang yun, may nagttriger ng atak. tumawag pla cla k kuyado pero c ida ang nakasagot, pumasok na daw sa hosp ang tatay nya. bka magpachek up cla tom... nagkuwentuhan nlang kmi at kumain ng oranges, broas, at uminom ng fit n ryt. hatinggabi na kmi umuwi.

Saturday, April 5, 2008

Super Bundat

nag guest pa ko sa isang basketbol opening kaninang hapon, at dumaan pa sa isang patay. grabe ang init, sumakit lalamunan ko. buti nlang uminom pa ko ng berroca nung umaga. nagsimba kmi sa ust, wala c bwi at si tit dahil may paxente pa si bwi. sumunod nlang cla sa pza hut sa SM San Lazaro. nde muna nagbadminton dahil nagbadminton naman kagabi, chaka gusto naming maipasyal cla tay n nay. nde naman ako nagpakabundat sa pza hut, isa't kalahating pza lang ako. kaya lang, pumunta kmi sa BF... grabe, dun kmi bnundat nla tta ludy at enciang. may sandakot na nachos, na ang akala ko ay nde namin mauubos, may shake, coke... tlagang busog na kami, pero sa kakaulit nla na may mais con yelo ay natakam na rin kmi... ayun, kahit nde na kmi makahinga ay kumain pa rin ng mais con yelo sa malalaking baso. kumain pa ko ng dlawang choco malows hehe... enjoy din na nakipaglaro si brian k patrick, at c tweet naman ay nanood ng tv. halos 12mn na kmi umwi dahil sa paulit ulit lang na mga istorya.. hehe..

Wednesday, April 2, 2008

Chie's Bday






Pictures pa to nung Holy Wednesday gimik namin sa Bonifacio High St, sa D Fort


Bday 2day ni bespren chie... hehe 43 yrs old! hindi mukang 43 no? mukang 53!! hahaha... sori chie, alam ko kaseng binasa mo tong blog ko hehhehe..

dahil wla akong gift k chie ay naisipan ko nlang na invyt xa for dnner sa conti's. busog na naman ako sa lechon kawali at masarap na mango cake. tnikman ko din ang carbonara na sa tingin ni chie ay matabang, kya binuhusan ng parmesan chiz. tapos ay nagkape kami sa seattle's.. masaya ako at sa wakas ay nagamit na rin namin ang laptop ni chie sa kapihan. nung isang gabi kase ay napuyat kmi sa starbax dahil nde kmi marunong mag internet sa labas. at least, successful kmi kanina, kahit dlawang oras yata naming natutunan.. hehe, 1am na tuloy kmi nakauwi.. pnagtiyagaan nlang kmi ng manager ng seattle's at may nagturo din samin over d fon. babaguhin lng pla ang settings..! masaya na kmi ni chie dahil alam na namin ang gagawin sa susunod na magkape kmi :)

Hapi birthday Chie! :D