Saturday, September 4, 2010

Delirio

6am plang ay 2matawag na c bwi dto sa bhay.. nahihirapan na syang magbantay k tay.. ilang araw na kseng walang 2log.. chaka npaka iritable na ni tay, lalo na sa swero nya.. nkalagay yun sa left wrist nya.. hinugot pala nya nung madaling araw.. nge, ang sakit nun.. kya nilipat sa ryt wrist nya.. gumising na kmi ni nay at pumunta sa hosp.. natulog na muna c bwi sa bhay..

sumusunod naman samin c tay.. pero mahirap din.. gusto na namang hilahin ang swero ng ilang beses.. bigla ding kakagatin paminsan minsan.. basta nagtulungan kmi ni nay.. sa kanila lng kse ni bwi nagpapatulong magwiwi kya kelangang nandun c nay, kahit hirap pa rin xa sa ubo nya.. mukang nbabawasan na ang ubo ni tay.. nagkiclear na ang lungs nya.. clear din ang lahat ng organs nang inultrasound, except 4 d prostate na inexpect na namin dahil naoperahan na xa dun nung early 90s, chaka plagi xang nagwiwiwi..

dumating cna gentry n dimple na may dalang chcharon.. xempre c doc gavin.. c tta dely, na present evryday ksama cna tesi at jonas..

dkona alam pano ko aaliwin c tay para wag nyang piliting tanggalin ang swero nya.. basta cnasabi kong magrelax sya.. na ipahinga nya ang mga kamay nya.. ask ko xa kung gustong manod ng tv.. kung gustong kumain.. lahat naman ayaw nya hehe.. basta dapat malumanay lng ang boses.. kse pag galit ang tono, magagalit din xa.. tnawagan ko din c twiti para mkausap nya sa fon.. wla naman xang naaway na nurses 2day.. sa pagdating ni nay, mejo narelax cguro xa.. c nay ang nagpapawiwi dahil di naman xa papayag pag ako..

kumakain naman xa.. knain nya ang adobo at kanin para sa paxente.. kmi naman ay nilibre ni tit ng jolibi hotdog at palabok.. umalis ako sandali aftr lunch.. sinamantala kong nandun c jonas, para bumili ng handsoap, drinx, tnapay, chichiria, toilet paper.. tapos, cnubukan kong mkatulog, pero nde natutulog c tay, kelangang bantayan.. c nay, 2log sa kama.. c tit, 2log sa silya.. nag alala ko, baka ginawin cla sa ercon.. sbi ni tit, mejo mlamig nga, kya pnatay ko pa ang ercon sandali..

kung ano ano ang kinukwento ni tay.. mdalas dkona maintindihan.. iba ibang subject mater.. nababanggit din niya cla tto moris, tto viliong, tto rod, tata.. nbanggit pa c tta toya at lahat ng mga kapatid ni tta toya.. pati c kuya dino na pinsan din nla at nde ko kilala.. nag ddelirio..

bandang 3pm, dumating c papot.. nagpaalam na muna ko na uuwi para maligo, at pumunta sa 3 chermen na may bday 2day.. inuna kong puntahan ang 2 deds.. balak ko pa sanang magsimba, pero palpak ang sked ko.. yung una kong pnuntahan ay nsa hosp din, pero pdating na daw, kya hinintay ko.. pero 1 hr din akong naghintay.. sa 2nd bday mabilis lng ako.. eat lng ng mangga, alis na.. sa 3rd bday, nahirapan akong umalis kse ang daming tao.. halos nde ako mkalabas sa bhay ng may bday.. tom nlang ako magsisimba..

pag alis ko pla ay dumating cna olive n family, na may dalang npakalaking kahon ng pza.. pang big party... kya may nakain cla dun..

umuwi muna ko sa bhay para magbihis uli.. nbalitaan ko k papot na nsa emergncy rm naman c tta dely :( nagsimba pla cla ni tesi sa ust.. halos umpisa plang ng misa, nag chill c tit.. nag delirio.. kung ano ano ang cnasabin a nde daw maintindihan.. ang taas ng lagnat.. naisip ko, baka nga gininaw sa rm ni tay knina.. pnadala agad ni bwi sa capitol din, emergncy room..

kya dumaan na muna ko sa emergency rm.. mukang ok naman c tit.. madaldal na uli eh.. may lagnat pa rin pero bumaba nang konti.. nag umpisa kse sa 39+.. naging 38+.. nag urine n blod test xa.. dumaan din c papot, tapos kelangan na ring umuwi ni papot dahil hanap na xa ng mga bata.. kumuha c tesi sa rm ni tay ng pza at monay para mkain ni tit, nagutom eh.. bandang 10pm, tnawagan ni papot c gavin kung ano na nangyari k tit, uuwi ba o maconfyn? may uti pla.. pnauwi din, pero gabi na, 10pm na.. inasikaso ni bwi.. salamat at ok na...

bago pa naman magsimba ay nagbonding ang magpinsang tit at tta toya.. dumating c tta toya at cedes sa pedro, may dala pang pancit na minirienda nla..

umalis na rin kmi ni nay ng 1030pm.. alam ko, pagod na rin c nay.. ang hirap dahil grabe pa din ang ubo nya.. ako din, ang sakit ng lalamunan ko.. umuubo nrin ako.. akala ko, dnako ttablan kse bago cla natrangkasong lahat eh, ako muna ang nauna.. kala ko, wa epek na sakin.. bnigyan namin ang nurses ng pza.. nag uwi din ako, pero mdami din kming iniwan k bwi para di magutom.. dumaan kmi ni nay sa drugstor at bumili ko ng antibiotx ko.. at nagrosary kming dalawa ni nay.. bumagal ang rosary namin ds tym kase parehong masakit ang lalamunan namin, at sumisingit pa ang mga ubo hahahhaha... at may sipon na rin yata ako huhuhu...

sana wala nang dextrose c tay tom... sana.

No comments: