Friday, December 4, 2009

Treyd Fair

ang pagpunta naman sa trade fair ang lakad namin ni papot 2day... pero hinanap ko muna yung pinapapuntahan samin ng off of d VM... yung magsusukat ng uniform namin sa campaign.. naku nalampasan ko pala.. nde ko nakita.. cnundo ko nlang muna c papot para mkapunta sa trade fair..

doble yata ang trapik knina.. cguro ay dahil 1st friday of the month, kya mas madami ang nagsimba sa quiapo d whole day.. sa parking kmi sinuwerte.. ang lapit ng nparkingan ko dun.. may entrance na 30 pesos..

naku.. wala kming mabili kahit ang daming stalls.. palibhasa ay una naming napuntahan ang ang 168, dvisoria, at grnhils.. kya makukumpara mo ang mga presyo.. naging doble na sa trade fair.. ni nde na kmi nkapaglunch dun dahil nabusog na ko sa kakatikim ng mga free tastes.. hahhhahah.. naglibre pa c papot ng tapa, yung parang nabibili sa macau.. lalo na talaga akong nabusog.. bumili din ako ng kasoy na kinain namin habang nag iikot.. hmmm.. may nabili nga pala ako.. dalawang damit ng aso na bibigay ko kna monquito at junior :)

mgahigit 2 hrs din kmi dun.. naku ang trapik.. nainggit ako k papot kse 2log na 2log xa sa koche.. halos makatulog na din ako sa trapik kahit ako ang nagdadryv! dapat ay papunta na kmi sa pdro.. pero tnuloy ko sa sa sampaloc.. dun sa magsusukat ng uniform namin.. salamat at nakita ko na.. ang hirap naman ng parking dun.. pero masaya ako dahil pagpasok ko sa shop ay nandun ang mga barkada kong cna doc alfonso, Dr J, at c corina :) nagkuwentuhan pa kmi dun at nakiinom ng jus :)

hinatid ko na c papot sa pedro.. nag rest lng ako ng konti.. may pnuntahan pa kong kidi party sa may central markt.. nagtagal ako dun dahil may naabutan akong mga kandidato.. nagkuwentuhan pa kmi.. pnagsalita pa kmi sa bday eh.. mdaming tao..

pagod na talaga ako.. eh pupunta pa ko sa iglesia ng 8am.. kya natulog ako sandali sa bhay nla papot.. 15mins lng, pero ang lalim ng 2log ko.. na recharge ako :) tapos ay pnakuha ko na sa koche ang baon kong blous, sapatos, make up.. nag ayos na ko.. on tym ako sa qiapo.. cnamahan ako ni tta josie na tga dun.. mdami akong nakitang kakilala :) mga 1hr kmi dun.. tapos nadaanan ko ang shooting ni pacqiao sa isa sa mga bahay dun.. nakita ko c paqiao, ksama c myls, yung nkalaban ko dati.. nakalusot c paqiao sa pictorial dahil wala kong dalang camera hahhaha...

nagmadali na kong umuwi para manod ng Bog Broder.. dna sana ako magddner, pero nakita kong may sinigang na manok kya kumain ako kahit 10pm na :)

No comments: