Friday, August 8, 2008

Mega 30

masaya ako... nanod kse kmi ni papot ng concert ni sharon na 'megathirty'(30 yrs in showbz) :)

pero bago kmi nanood ay super duper pagod ako, as in! 7am plang ay gising na ko. naligo agad dahil aatend ako sa project ni vice at 9am.. civil weddng sa ct hol at 10am.. binyag at 11am.. at luncheon wd counclor-frends dahil bday ni dra alfonso.

ang galing ko... on tym ako sa lahat na pinuntahan ko. pero namis ko ang driver ko kase ang hirap maglagare. tapos, pagdating ko plang sa project ni vice ay may nakapansin na malambot ang gulong ko. grabe, flat tire ako! buti nalang, tnulungan ako ng mga tao dun. habang ginagawa nila ay umapir muna ako sa project at nagpunta sa tatlong patay. todas na naman ang pera ko. nde pla nila nakuha ang spare tyr ko kase kalawang na yung lock, nde ma unlock. kya pna vulcanize na lang nla. tenkyu sa mga tga tmbuntng :)

punta naman ako sa kasal. exactong 10am andun ako. yung magkakasal naman ang na late. pero pagdating nya ay pnaspasan na ang kasal dahil cnabi kong may binyag pa ko.. takbo naman ako sa binyag.. ang layo, sa simbahan sa tabi ng mol of asia. eh napakatrapik today dahil 08/08/08. daming nagpakasal, nagpabinyag, etc etc... pero exacto na naman ako dun. pagdating ko ay inumpisahan na kahit kulang pa ng ninong. nagpaumanhin ako dahil dna ko makikipaglunch sa kanina. bday kase ni doc alfonso sa robinson's. andun c doc n tto gigi, drJ, joy, percy, corina, at may special guest kmi... c cong trisha na nagbayad ng dapat ay trit ni doktora. hehe tenkyu cong, pero doktora, may utang ka pa sa min hehe.. pnagkofi naman kmi ni doc.. habang nagkokofi ay dumating c cita astls.. long tym no c kmi :)

dumirecho na ko sa pedro para hintayin papot dahil punta nga kmi sa concert. may bad news nga plang dumating, namatay ninong chto lucero ko :(

punta na kmi ni papot sa examiner at nagdiner. ntay namin jesi na kasama pa ni tay n nay sa pedro. kaso mo, nakipagkwentuhan pa c nay k tta toya at nakalimutang magpapahatid kmi k jesi. 7:30pm na cla nakauwi. tense na ko kse alam kong trapik dahil friday nyt. eh kung mag umpisa ng 8pm sharp, edi may mamimis kming numbers. naiiyak na ko sa koche. dapat sana ay nagtaxi na lang kmi, sdabi ko k papot. c papot din, masakit na tyan sa tension, gusto nang maglakad. kase naman, ang mahal ng tket tapos excited na kmi, tapos male late pa kmi. huhuhu kakaiyak... pagdating sa araneta, takbo na ko, dkona pinansin yung guard na nagchechek ng bag hehe. awa ng Diyos, 845pm pa naman nag umpisa. masaya na kmi ni papot pero napagod na kmi.

yehey ganda ng concert. galing ng numbers wd gary n martin, pati wd kc. palpak naman ang camera ko, isang shot plang ay full memory na. bwi! dnako nagbura dhil d ako marunong tlagang gumamit nun. buti pa c papot, nakapag video pa.

nakatulog na c papot sa koche. c jesi naman ay ginabi na dahil 12mdnyt kmi nakauwi. masaya na ko. manod kmi ng mega40 sa 2018 :)

No comments: