Saturday, February 23, 2008

Viva Macau!

ganda ng macau! ibang iba nung pumunta ako 4yrs ago..dami nang bago... sunday nyt (feb 17) kami umalis. bale 5 kami, ako, pentay, theresa, fader didoy and fader jun (classmates ni theresa). kaya dalawang pari AT TATLONG MADRE hehe.. hassle lang ang cebu pacific eh, na delay kami ng almost 1 1/2 hrs, napakabagal sa chek in. nakakagutom.. eh dahil mura ang plane fare ay walang fud, kelangang bumili ka, kahit snacks. anyway, 2 hrs lang naman..

pagka chek-in namin sa sintra htl (3-star) ay kumain muna kmi sa malapit na chinis resto, ang sarap.. palibhasa ay 12:30am na, super gutom na kami. kahit nde kami magkaintindihan ng waitress ay ok lang kse may pics naman ang menu eh. naglakad na kmi sa labas, nag pictorial agad sa hotel lisboa.. ganda ng mga ilaw sa labas.. dami ding decors kase kakatapos lang ng chinis nuyir. kase nga, pino promote ang macau na parang maliit na las vegas, kaya ang daming bagong 5 star hotels.. gulat ako kasi nung unang punta ko dun, wala namang maxadong magagandang hotels..kahit san kmi pumunta ay may pinoy.. ok naman nga trabaho nila dun, sa mga hotel, casino, restaurants..

xempre pasyal kami sa leal senado.. ang liit nito dati.. ngayon ang dami dami nang shops! nakabili nga ako ng tatlong sapatos eh :) pati si papot binili ko ng isa. sayang nga at malamig pa ngayon dun kaya puro pangginaw ang binebenta, nde tuloy ako nakabili kahit isang blouse :(

nde na kmi sumama sa city tour. madali lng mag ikot dun eh, ang liit lang. tatanungin lang namin sa mga pinoy kung anong number ng bus ang sasakyan namin. mura lng, kahit san pumunta ay HK$2.50 lang. nag bus lng kmi papunta sa macau tower kung saan ay may bungee jumping, HK$700. akala ko ay mag bungee jump cna fader pero nakakatakot eh, sobrang taas. nanood nlang kmi at nagpictorial. bus din kmi papuntang A-Ma Temple, parang mga chinis temple din dto satin. madalas din kaming mag taxi. mababait mga tao dun.. matulungin din mga pinoy. ang laking tulong nga samin ni atong, yung doorman sa sintra htl, kase xa ang kumuha ng visa namin sa zhu hai, china. HK$15 lang ang singil kesa naman kung pumila pa kami sa border tapos HK&150 ang babayaran namin. kaya lang, wala akong nabili ds tym kase kung sanay ka sa divisoria at tutuban mall at 168 sa mla ay nde mo na maaapreciate ang guds sa zhu hai dahil parehong pareho lang. nung unang punta ko dun ay dami kong nabili kase dpako sanay nun sa divisoria eh.. pero ok ang nabili ni theresa dun na ipod, parang P700 lng. sa divisoria mga P1,500 din yun. kumain lang ako sa zhu hai ng ramen at masarap na egg tart. grabe, kahit ihing ihi na ko nde ako umihi kase yung toilet sa resto, nakabaon sa sahig ang bowl! parang old china.. nge, yoko ngang mag squat dun. malapit lang naman macau eh, tatawid lang border at 5min taxi ay hotel na kami kaya pag uwi nlang ako nag cr.

nag 1-day HK din kami. tinawagan ko tta angie habang nasa turbo jet kami. nilibre kmi ni theresa sa turbo jet kase nanalo xa sa venetian hotel casino ng mga HK$70. sayang at nde kami nagkita ni tta angie. nahirapan kase kaming maghanap ng makakainan kya late na kami kumain. pero masarap ang nakain namin sa peking garden sa ocean terminal. tapos lumipat kmi sa hongkong syd at pinasyal kami ng mga kababayan ni fader jun. kakalungkot mga stories nila tungkol sa mga pinoy na nagtatrabaho dun :( pnag kofi n chiscake nla kami sa delifrance. tapos punta kami sa stanley, buy ako ng heat pad para k tay at tta dely at mga bruce lee tshirts. may dagdag na tshirt pag mabait na pinay ang nagbebenta at wala ang amo nilang chinis. may pinuntahan kaming pinay tcher sa wan chai, kofi kami uli dun at eat ng niluto nilang masarap na bluberi chiscake. dinadayo pla yun sa gabi kase redlyt dist., pero maaga naman kmi andun eh.. 3pm ko na tuloy uli natawagan si tta angie pero wlang sumasagot. tumawag pa naman xa k nay na magkikita kmi at may mga papadala xa para k nay. akala tuloy ni nay ay ang dami kong pasalubong hehe.. sa totoo lang, natakot din akong makita si tta angie kase nga baka madaming ipauwi eh hehehe, ayokong magbitbit..tapos gabi na kami pumunta sa victoria peak. trit kmi ng mga pnay.. ngayon lang ako uli nakasakay sa peak tram after 26 yrs. ang ganda.. dahil gabi na ay mas malamig, sobrang lamig.. brrrrrr..... pero ang ganda dun sa gabi. hatinggabi na kami nakabalik sa macau.

sa gabi ay nag iikot lang kmi sa mga hotels. pnakamaganda ang venetian hotel. ang galing, may gondola sa loob ng htl. nde kami sumakay pero dun kami nag dner, hehe sosyal kami. dun din kami nag casino. napakalaki... nagpatalo lang ako nga mga isang libong piso. dun din nanalo c theresa. maganda din ang mgm grand at wynn. puro bago yan, mga 2 month old pa lang yata. pero dahil una naming nakita ang venetian ay parang corny na ang ibang htl. dapat venetian muna ang paxalan.

tumaba ako dun, kase panay kain ko ng yang chow fried rice, macanese fried rice, portuguese food, tapa, egg tart... kahit whole day kaming naglalakad ay lumaki tlaga tiyan ko. sa hotel rm naman namin, eat din kami kase may dalang instant sotanghon c pentay, sky flakes, kape, pati keso. sanay na sanay magbiahe.

grabe yung nkainan naming african resto sa fisherman's wharf. eat all u can kami dun, pig out tlaga. HK$200. dami kong kinain na tuna and salmon sashimi, super enjoy ako sa deserts na mango chscake, bluberi chscake, choco cake, napakasarap! dnako eat ng pudding at frut salad. yung ibang ulam ay dko na pnansin. eat ako ng pasta, shabu shabu, grilled lamb, grilled pork, grilled chicken, ice cream... panay inom namin ng hot tea.. bundat kami. joke ko nga kna fader ay baka naka isang buong lamb na cla hehe.. paglabas namin ay mga pinoy ang kumakanta kya nakipag pictorial kami. pero inabot sakin ang myk kaya kinapalan ko ang mukha ko, kumanta ako, repeat, kumanta ako ,ng 'islands in the stream'. dnako nahiya, wala naman akong kilala dun eh hehe... ang kapal talaga! hehe enjoy naman... cute sa fishermans wharf, theme park eh. magugustuhan ng mga bata dun. may man made volcano na pwedeng pumasok sa loob, may war games, maliit na casino, at kung ano ano pa.

dami naming pictures.. may camera cna fader didoy at theresa. ok nga si fader eh, bitbit plagi ang tripod, ang tiaga, ang bigat din nun. tapos aayusin na din nya sa cd ang mga pics :)

sa last day namin (thurs) ay nagtulog muna kami sa umaga. nag chek out ng 12nn, at nag last minit shopping sa senado. pagbalik sa hotl ay siniksik namin lahat na binili namin at nag taxi nlang papuntang airport.. uwian na :( 12:30am ang landing. nakakatuwa sa airport, taga 3rd dist pa yung nabilan ko. tga felix huertas daw xa. touched ako kase binoto daw ako ng buong family nya. sbi ko naman tenkyu tlaga kahit nde ako umabot :( dinagdagan pa nya ang free bag ko. Tenkyu po mr. francisco :) tapos may bigla naman lumapit sakin, c edwin pla! kasama ko dati sa congress.. nakalimutan kong tga immigration xa... swerte, nde na kmi pumila. natatakan agad pasport namin. tenkyu edwin :) naging school bus uli ang sasakyan ni theresa dahil hinatid kaming lahat. ako ang huling nahatid, mga 2:30am na, tapos kwentuhan pa kami ni nay kaya 4am na ko natulog.

super enjoy ang trip namin. TENKYU LORD and tenkyu sa lahat na kasama ko :) magkakasama uli kami sa april sa vietnam.. nagpa book na si theresa, halos ililibre kami ni theresa, kse plane fare lang babayaran namin :) dto muna ako sa tabi tabi kase maxadong mahal ang US at Europe hahaha :D

1 comment:

do said...

Monqui, pictures please, Luis.