Tuesday, May 31, 2011

2nd Day sa Mndoro

maaga kming gumising.. aalis kmi sa farm ng 7am, kya brekfast kmi ng 630am.. naghiwalay na ang 2 grups papunta sa kanya kanyang brangay.. nagset up na kmi dun ng uupuan ng mga doc, mga paxente, mga gamot..

ang aga ding nagpalista ng mga tao.. nagsimula ang mga doc ng 730am.. nakita ko na namang mahihirapan ako sa gamot.. ang ginawa ko, inasyn ko ang sarili ko sa crowd control, sa pag ayos ng pila, pag prioritize sa mga mtatanda, lalo na ang mga hi bold na sa oras na yun.. at naging stand up comedian pa ko sa labas, sa harap ng mga tao.. kse alam kong inip na cla kya nagpapatawa pa ko hehe.. yung ksama kong cna gina at paula ang nagtyaga sa gamot.. nahihirapan din cla.. yung mga totoong pharmacist kse, nag bak out dahl sa bagyo.. buti nlang, nadagdagan kmi ng isang nurse, naku, ang laking bagay.. bukod sa nkakaintindi ng mga gamot, magaling pang kumausap sa mga tao..

almost 200 na ang nagpalista.. pnahinto na namin ang listahan dahl nde kmi mtatapos..pero may pnadalang isa pang nurse ang health centr, salamat naman, bumili kmi nang konti.. may 60 dental patients, at may isang dosenang nagpatuli..

ang daming hi blod dun.. chaka yung iba, kelangan lng ng gamot sa ubo at sipon, binigyan nlang namin.. nde matatapos ng mga doc eh.. 1pm kmi natapos.. ganun din pla sa kabilang brangay.. pupuntahan namin cla sa kabilang brangay dahl katabi pla nila ang beach kung san kmi magla lunch.. at ang sinakyan namin sa paglipat ay speed boat!

grabe ang saya namin sa speed boat.. may malakas na music, mga kapanahunan namin.. tapos, pag may alon, babagsak ang speed boat.. sus, ang lakas ng sigaw ko..!

pagdating namin sa beach, dumadating na din ang fud.. ang galing xempre ng hosts.. nagset up na naman dun ng tent at catering.. daming inihaw na isda, iba ibang isda.. may bbq.. sinigang sa miso, etc etc.. ang sarap kumain.. wlang nagjeta!

tapos, nag speed boat na kmi.. super njoy kmi ni bwi.. libre na nga, wla pang kalaban na alon.. napaka smooth ng ride.. tapos, nakakita c bwi ng mga nangingisda.. naki join xa..

pagbalik ko sa kainan, grabe, meron nang halo halo, hotdogs, fish bols.. ayaw ni bwi ng halo halo, pero kumain xa ng isang basong ice crm :D

hinatid na kmi ng mga jeep pabalik sa farm.. nagswiming kmi nla bwi.. ang sarap na naman ng 2big.. chaka may DJ nga pala na nagpapatugtog ng sounds.. nag sauna bath uli kming mga girls.. naligo, at nag prepare na for dner..

pnanood namin sa wide screen ang mga pictures namin sa med mision habang nagddner.. tapos, ay nag distribute na ng certificates para sa lahat ng participants.. may live band pa para samin! pwedeng makipang jamming sa band, pero maaga pa, maglalasing na muna ang mga tao hehe..

etong isa pang maganda.. may fireworks!!! para kming nasa mol of asia.. yung magagandang fyrworx.. twice yun ginawa.. grabe, daming nagastos..

habang nanonood kmi ng band ay nag serve na ng dalandan jus na may gin.. naku, ang tapang ng timpla.. may chicharong bulaklak uli.. mga cornik, pnuts, kalderetang kambing.. lagot, naka isang baso akong dalandan.. inaantok na ko.. napapapikit na ang mga mata ako... hinintuan ko na.. nakakahiya pag nakatulog ako sa mesa.. meron na kseng mga nalalasing.. baka mapikchuran ako hahhahaha....

kaya naman, nung nag aya na clang magsayaw, bigla na kong nagising.. nde ako nagsayaw, umuwi ako sa villa haahhahahah sumabay na sakin ang mga roomates ko, pwera lng k Yans.. c bwi ay nauna pa sakin ng 30mins..

ang sarap ng 2log ko.. bumalik pa nga c Yans para gisingin kmi... naririnig ko xa, pero dkona madilat ang mga mata ko.. kse pla, nagkakatahan na sa stage ang lahat na batchmates na naiwan dun.. gusto nilang ma video ang lahat.. pero balita ko, 2log na ang iba sa mesa.. chaka bandang 1am, kumain pa daw cla ng tapsilog..

ang mahal cguro ng bnayad sa band.. kse, kumanta cla til 3am! kahit anim na tao nlang ang gising, 2mutugtog pa rin cla.. :D

ang saya, saya, saya.... :)

tenkyu, Lord! :)