Friday, March 28, 2008

Balik Badminton

mejo pagod dahil ang init kanina sa inatendan kong day care graduation.. pero kahit almost 4hrs yun ay tinapos ko naman.. tapos nakapunta pa ko sa anim na patay kase sinamahan ako ng mga lider dun. naubos pera ko pero ok na rin kase maganda naman ang fidbak. kaya almost 7pm na ko nakauwi. nagmamadali ako kase baka ma late ako sa 8pm badminton ng mga cousins.

exactong 8pm ako nandun. dinatnan ko na cna aj at nem. late si bwi at c seven. c enciang, nanood lang, masakit pa rin ang braso kaya nde pa naglalaro. mga 1 month na kmi nde naglalaro kya excited kmi kanina. c aj mga 2 months nang nde naglalaro. xempre masaya uli ang game namin... pero mas masaya kami after d game.... kase nag treat cna aj at seven sa mocha blends... pareho kase clang bday celebrants for the month of march... grabe, 1230am na kmi nakauwi sa dami ng kuwento.. sarap na sarap kmi sa kape namin at sa nachos kase nga libre hehe... nde ko na napansin ang oras, pwera nlang nang sumakit ang tyan ni enciang, kya bigla syang nagyayang umuwi... pero nde nya nakayanan kaya dun na lang sya umebak sa kapihan! nge!

Tuesday, March 25, 2008

Tiring Day

napakainit ngayong araw na to, kya ang dali ding makapagod. pumunta kmi ni enciang sa avida para makita nya ang mga model units ng condo at mga townhouses. ang gaganda... nanlata ako sa init kya dumiretso kmi sa bahay ni papot para makapag merienda. 2 hours namin hinintay papot, eh ang init pa naman sa bahay nla kya lalo kming napagod ni enciang. dumating din si pentay. sa tapsilugan kmi naghapunan, sinama din namin cna twit and brian. tapos dumiretso kmi sa SM dahil binili nla ng bagong swimming pool ang mga bata. xempre, nde kami uuwi hanggat nde nagkuentuhan sa starbax! nde pa rin kmi umuwi... nanood pa kmi ni cianget ng big brodr sa bahay ni papot, kya past 10pm na kmi nakarating sa examiner.

Sunday, March 23, 2008

Hapi Easter!






Hapi Easter :) habang nagsisimba cna papot, tweet, at brian ay nagtatago na ng choco easter eggs c bwi sa bahay, para kahit pano ay may easter egg hunt yung dlawang bata. ang saya nla, mas madaming nakolektang eggs c brian. nde ko alam na ako pla ang magbibigay ng P50 prize, hehe cheap, pakulo ni bwi. tapos nag lunch na kmi ng walang kamatayang nilagang baka.

after lunch ay punta na kming lahat sa burol ni tto badong depante, ninong ni kuya do. mejo malayo, sa sucat, paranaque, pero ok lang kase wlang trapk. sa jolibi kmi nagmerienda kya masaya ang kids. pagod na pagod c bwi kase pagkahatid namin sa kanila sa pedro ay nagpahatid pa ko sa dalawang patay sa district. mejo napagod na rin ako kya naghapunan na kmi sa pedro bago umuwi.

Saturday, March 22, 2008

TTa Ludy n Enciang's Lugawan/Easter Mass






nakiramay muna kmi nla tay n nay sa pamilya ni atty mario domingo, very close friend at plagi naming kakampi sa district :(

mga bandang 330pm, pumunta na kming mga Examiner sa fairview dahil may dalang arrozcaldo cna tta ludy, enciang, n tto jun. grabe, enjoy kmi, kase malaking kaldero ang dala nla, chaka picnic basket na may lamang tokwat baboy, dinurog na chicharon, pritong bawang, nilagang itlog.. pati paminta at mga bowl, dala din nla! ang tanging dala namin ay kalahating bote ng patis at kalamansi! hahahah... wag matahin, importante ang patis at kalamansi sa arrozcaldo hehe... nakatatlong bowl ako. pinagtatawan nla ako dahil pawis na pawis ako sa pagkain ng lugaw, akala mo ay nasa carinderia ako sa loob ng palengke! mukang nagtataka nga si gingging kung bakit ang dami naming nakain eh.. ayaw nya cguro ng arozcaldo hehe... ang dami pang natira... sayang nga at nde na kumain cna sangkong totoy, insong angeling, at ate marilou. nagdala lng cla ng mangga tapos sabay sabay na kaming nag uwian. nag eat n run kmi kase magsisimba pa ang mga tga fairview.

bago ko umuwi ay may pnuntahan uli akong isa pang patay, 8yr old na anak ng brangay cherman na nalunod nung holy wed :(

8pm kmi umattend ng easter vigil mass nla tay nay bwi sa simbahan namin. ang habaaaaaaa ng misa, as in, 2 1/2 hrs, including salubong. ngayon lang ako nakapanood ng salubong ni Virgin Mary n d Risen Christ. kase gnawa yun ryt after d mass. ok naman, maganda sya, may fireworks pa. chaka for d first tym ay nde ako inantok sa mahabang misa hehe...

sa misa ay nakita namin cna googoo and christian, mga anak nila kuya boy(+) and ate cherry garcia. niyaya namin cla na kumain sa bahay kase naghanda c nay ng parang noche buena, complete wd hot choco, pinipig, pancit, tnapay, ham, n spam. nde ko na sasabihing mataba ako dahil mas mataba na c papot kesa sakin hahaha... mga 1130pm ay hinatid namin ni bwi cna goo2 sa bahay nla.

Friday, March 21, 2008

Good Friday at d Bay






nde kmi natuloy sa bigaa para sa bday ni nicole. maagang nagtex c gelanie na wlang mabiling seafuds sa palengke kya postpone muna ang bday. nagtulog nlang kmi buong umaga.

mga 430pm ay umalis kmi sa bahay at pnasyal kmi ni bwi sa likod ng mol of asia, sa SanMig by the Bay. naglakad lakad lng kmi dun, nanood ng sunset, at nagpictorial. bago mag 7pm ay dumiretso na kmi sa airport para sunduin c hon at ang mommy nya na galing sa bacolod. twang twa ang mga bata nang makita ang tatay nla, akala mo ay nanggaling sa saudi ang tatay nla hehe... bumaba na kmi nla tay n nay sa examiner, nde na kmi sumama sa paghatid sa bocaue. ntay ko cla ngayon dahil cguradong madaming uwing pagkain galing sa bacolod :)

Thursday, March 20, 2008

Holy Thurs at Bigaa






kagabi ay pnasyal ko cna tweet brian, ksama anthony, papot, at chie sa bonifacio high st. ang galing ng pasyal namin. pumila lng kmi sa free donuts ng krspy krm, busog na kami. tapos nagtatakbo lang ang mga bata dun. mit namin si meme, kya chika naman kmi sa kapihan. 1am na kmi nakauwi.... kya kaninang umaga ay mainit ang ulo ni nay kse 9am pa lang ay bihis na cla ni tay para pumunta sa bigaa. tapos kaming lahat ay 930am na nagising. in short ay 1030am na kmi nakaalis. gnagawa pa naman ang north luzon xpressway kya mejo trapk, sa bukana lang naman.

pagdating namin sa bigaa ay kumakain na cla. dami na naman fud.. liempo, sinigang na baboy, pancit canton, paella.. tapos tumambay kmi sa pnapagawang resort ni rey, ang sarap dun, ang lakas ng hangin, puro kwentuhan at katatawanan. may dalang baril barilan c pip na akala mo ay totoo kya nag target shooting cla. galit naman c tto jun kse baka nga naman ma checkpoint sa hiway eh mukang tunay na baril yun. nagmerienda kmi ng sotanghon, arozcaldo, turon, and junk fud.

tapos nag blakjak na kmi. sa umpisa ay ako ang banca. pero umayaw na ko dahil talo na ko ng 250. si tta kulo ang pumalit sa kin. maganda yung last game namin, tig 100 ang taya.. tapos nag blakjak ang banca! grabe, ang iingay namin. paero nanalo pa rin cna enciang at papot. nagdiner narin kmi dun, lhat ng natira namin nung lunch, plus binagoongan na gawa ni pip.

babalik kmi tom sa bigaa kase bday ni nicole :)

Monday, March 17, 2008

Dinner at Olive's

nakipagkita muna ako k chie, sa anak nyang si bianca, at sa mommy nya sa trinoma. chika chika lng chaka nagmerienda kmi ng krispy kreme. pagkahatid ko sa kanila ay tumakbo na ko papunta kna olive dahil 1st death anniv ng ng apo nyang c Belay (+). halos sabay sabay lng kaming dumating nla tay nay ttadely ttatoya papot twit bri n bwi.. na late ang pari kya imbes na 630pm ang mass ay naging 730pm. dami na naman naming nakain, c tta toya lng ang halos nde nakakain. tapos ay tumambay muna ako kna papot kase umalis kaninang umaga si hon. cnama ng mommy nya sa bacolod.. sa gud friday cla uuwi, kya nakipaglaro muna ako sa mga bata hanggang umuwi na ko sa pagod.

Sunday, March 16, 2008

Busy Sunday

nanood muna kmi ni bwi ng laban ni pacquiao sa SM. alam kong arnd 1pm yun matatapos kya pnasabi ko na sa aanakin ko sa binyag na sa reception nlang ako pupunta. pagkatapos ng mejo nde naman convincing win ni pacquiao ay naglunch na kmi sa pedro. ang mga okasyon ay bday ni tto viliong, bday ni tto maurice, at despedida ni tta toya. ang mga bisita ay ang lizan famly, at cna ate nenita, kuya badong, etc. chaka kmi nla puri, nana, ate pipit, at kmi. wla naman dun si tta toya nang dumating kmi. cnundo daw pla ni dra angeles, kasama c ate helen. pagkakain ko ay pumunta na ko sa bhay ng bininyagan, eat ako uli. tapos tumuloy ako sa kidi party, eat ako uli. pagbalik sa pedro ay nagpasama naman c papot sa grocery. tapos nagdnner kami sa pedro, edi eat na naman uli. sayang naman ang mga inexercys ko d past wk, ikinataba ko na nman ng isang araw lng! nakakapagod na rin pag madaming lakad, kase wla na kong driver eh, ako lng nagddryv. ok na rin, bawiin sa pagkain ang pagod.

Saturday, March 15, 2008

Kidi Party

tuwang tuwa cna tweet and brian dahil cnama ko cla sa kidi party ng anak ni VM isko. alam ko namang nde cla sasali sa games kaya nde ko na cla pinilit, kumain nlang ako. pero nagpalagay cla ng tatoo at nakipaglaro sa ibang bata. mas nag enjoy cla nang mkuha nla ang loot bag. nde loot bag, loot timba. ang cute.. small pail na puno ng candies, popcorn, etc. nagkita nlang kmi ni papot sa ust 6:15pm mass, at nagdner ng adobo kna papot.

Friday, March 14, 2008

Barkada Reunion

masaya yung isang bday party ko sa district, mejo nahirapan akong magpaalam kase may program ang mga anak at mga apo. kya naman tex na nang tex cna mari at carmi dahil tapos na silang magdner. halos sabay naman kaming dumating ni meme sa Amici, bagong italian resto. nde na sana ko kakain kse busog na ko kya lng, bagong init ang pizza at pasta kaya napakain na naman ako... huhuhu sayang exercise ko kninang umaga... masaya naman ako kase ngayon ko lang uli nakita cna carmie at jun, c susan at winston naman ang absent, chaka c chie. haba ng kuwentuhan namin,hanggang sa bahay ni mari. dami nyang binebentang shoes and bags fr d US, ang gaganda, buti nlang wala akong size kse gastos na naman yun hahaha... 1:30am na ko nakauwi.

Thursday, March 13, 2008

Hapi Bday Tto Viliong :)

may pnuntahan muna akong dlawang bdays at isang ded kanina tapos dnaanan ko cna tweet and brian. cnama ko cla sa cementeryo para mag grit at mag pray para k lolo viliong. natuwa mga bata sa cementeryo, ngayon lng daw cla nakakita ng madaming patay! hahaha... pagbalik namin sa pedro ay nandun c pentay at nandun na rin ang voice teacher ni tweet. may ilang bsita din c tta dely na pnakain nya dun ng lunch. ang dami tuloy naming merienda, yung natirang bbq, ensaymada, mamon, puto. tnapos ko lng ang voice lessons ni tweet tapos nagkape kami ni pentay sa figaro. may pnag uusapan kase kaming business... saka na ang kwento kasi wla pa naman! Hapi bday tto viliong, we ms u! :)

Wednesday, March 12, 2008

Kofi wd Enciang

hahaha naging food blog na nga yata ito... kase ang kukuwento ko ngayon ay pnagkofi ako ni enciang. nagkita kmi sa figaro sa tomas morato ngayong gbi pagkagaling nya sa belly dancing at galing naman ako sa pgevarra. corny naman kase kung ikukuwento ko na galing ako sa patay kanina, at nagmajong ako sa upuan ni tay dahil inaantok xa... or nag usap kmi ni pentay knina kung ano ang puwedeng maraket.. eto pa ang food.. galing si tay and nay sa bigaa dahil nagbayad ng realty tax.. may uwi clang puto ng puto popular, yehey!

Tuesday, March 11, 2008

Day wd Corina

Ngayon lang kami uli nagkita ni corina. ang layo kase ng inuuwian nya eh, sa alabang pa. kaya nagkita nlang kmi sa gitna, sa pwerplant. nood kmi ng 'dan in real life', hehe nakakatawa din.. tapos kumain lng ng tnapay sa breadtalk. ang maganda dun, nakita din namin si robert (ex nya) hehhe.. ayaw namang sumamang magkape samin. nakita ko din c juday :D inuwian ko nlang cna tay n nay ng egg tart ng bredtok.

Monday, March 10, 2008

ShabuShabu wd Tta Toya

Pagkatapos ng aking 2-day LBM, nabundat naman ako sa dinner namin nla tay nay ttadely fa hon anthony (aka bwi), kasama si tta toya sa healthy shabu2 sa mol of asia. maganda dun, kanya kanyang lutuan :) mahilig kasi si tta toya sa shabushabu. ok din yung napili kong order, seafud and beef set menu for 8 persons. exacto samin. kasama na din dun ang drinks pati ang dessert na fruits halo halo. bglang lumaki tyan namin ni bwi at hon. nag njoy lahat sa fud. pagkauwi sa pedro ay inayos pa ni bwi ang ngipin ni tay kaya nagkuwentuhan pa kami nla tta dely at tta toya bago kmi umuwi.

Saturday, March 8, 2008

LBM

grabe.. di na ko ulit kakain ng tatlong polvoron, kasabay ng isang lata ng juice.. naghalo ang gatas at juice sa tyan ko, nagka gera tuloy. namilipit ako sa sakit ng tyan at mga 10x yata akong napupu. buong araw akong di lumabas ng bahay kahapon, nanlata ako dahil sa LBM. buti nlang, may stock na diatabs si nay, tapos nagpabili ako ng gatorade, yakult at kukis. mamyang gabi nlang ako magsimba kase nanlalata pa ko.

Friday, March 7, 2008

MaKong

may pnuntahan lang akong dead kanina tapos dumiretso na ko sa pedro. nung una, ang nagmamajong lng ay cna tay nay tit. mamyang konti, kasali na c bwi. tapos mejo nahilo c tay, kya pinatulog muna namin. ako muna ang nagmajong para sa kanya. pagkagising ni tay ay gutom pla xa. naglibre naman c bwi ng mami siopao at siomai ng makong. buti nlang nanalo c bwi ng P1,000. nanalo c nay ng mga 300. c tay nanalo ng 40. in short, c tta dely lng ang natalo kya parang xa narin ang naglibre ng makong hehe.. tamang tama naman dumating na si tta toya at ate helen galing sa isang imbitasyon kya sabay sabay na kaming kumain ng makong.

Thursday, March 6, 2008

2 Movies today

ginising ako ni nay kase gusto nyang magpasama manood ng sine. pero mag treadmill pa ko kya after lunch nlang kmi nanod ng My Big Love, cute, katuwa. si tay ay sumama k tta dely at tta toya sa cavite. kmi lang ni nay ang kasama ni tweet sa singing lessons nya sa pedro, tulog pa si nay hehe.. iniwan ko na si nay sa pedro kase ititreat kami ni ava ng dnner sa trinoma. sinabay ko na si pentay den mit namin ava n theresa dun. nag arozcaldo ako sa via mare. nag donut din kmi sa krispy dreme, tapos nod kami ng muvi ni jude law, Sleuth.. nagagandahan na ko sa takbo ng istorya tapos biglang the end na pla, bitin! mabuti pa sina theresa at pentay, natulog nlang sa sinehan at dina sinundan ang istorya. kaya naka 2 muvis ako today! hehe hectic ang sked ko! :D

Wednesday, March 5, 2008

Pentay's Bday

hapi bday pentay! nag lunch kmi sa shabu2 ng gloriamaris.. sabit lang ako dun kse ang tlagang invited dun ay c tay n nay, kasama c mama nene at tta conching. tapos sumakay na ko sa sasakyan ni pentay. daan kmi sa pinapagawang bldg ng pinsan nya. sinundo namin theresa at nag pick up kmi ng lechon. sa marinara ang dner party nya. very close frends lng tlaga ang nandun. xempre nagtakaw na naman ako sa lechon, talaba, laing, etc.. nde nakasunod c bwi dahil sipon na sipon xa. c papot naman ay may seminar sa tagaytay.

Tuesday, March 4, 2008

Day wd Enciang

balik trinoma ako, wd enciang naman ds tym. lunch muna kmi sa bahay, den nag iikot na sa mall. sarap ng nilibre nyang ensaimada and tsokolate sa mary grace, tumaba ako. nkakarelax dun, nagbasa lng kmi ng magazines. nagpasalubong kmi ng bread talk sa kanya kanyang bahay. nag parco din kmi sandali dahl mag shawarma xa para sa mga ofc mates nya tom.

Monday, March 3, 2008

Day wd Chie

sundo ko kanina c chie... buti nlang may pasalubong ako kay bianca na sombrero fr macau kaya nalusutan xa ng nanay nya. punta kming trinoma.. eat muna sa taco bell bago nag ikot. nood din kmi ng 'spderwick chronicles', ok na rin kahit pang bata hehe.. tapos kuwentuhan lng sa cofi bean :)

Sunday, March 2, 2008

More Macau pics



Macau Pics





Typical Sunday

nagsimba akong mag isa kaninang 9am sa sto domingo.. tapos may dinaanang dlawang deads. exacto naman ako sa binyagan sa espiritu santo ng 11am. nang ninang uli ako sa napaka cute na baby na tga tambunting :)

sa bahay na ko nag lunch para makasabay sa lahat. may nagdemo nga pla ng mga kaserola, bisita ni papot. nagluto pa cla ng sinigang na hipon, pritong manok, bbq at isda. xempre nde cla nakabili ng kahit isang kaldero kase ang pnakamura ay P49,000.! But wait! there's more... d whole set costs P450,000.! parang nang aasar yata... ang dami ko pa tuloy nakain, including tinola ni evelyn.

umatend ako ng kidi party sa jolibi eastwood. para naman makalabas cla ng bahay, binaba ko sa mc donalds eastwood cna tay nay papot tweet brian. hinintay na lang nla ako dun, mga 1 hr ako nawala.

hinatid namin cla papot sa pedro pero umuwi din kmi agad kase wala cna tit at tta toya, pumunta nga pla cla k tta pole sa bataan.

Saturday, March 1, 2008

Fairview kaming lahat

9am plang ginising na kming lahat ni nay. feeling namin maaga pa kase saturday naman. sabi din ni brian, ang aga naman. bigla kaming nagliguan kse pupunta daw fairview kasama cna tta dely n tta toya, para madalaw ate loly. 11am naman cla dumating hehe ang tagal. sa van nlang kaming lahat sumakay. dami namin, puno ang van. jessie ako tay nay ttatoya ttadely ditche atehelen(sis of ate annie) papot tweet brian inday. bumili kami ni nay ng lunch sa ninang's pancitan. buy kami pancit malabon, ukoy, lumpia. wla cna tto doc and tta baby. buti nlang, andun gentry dimple and ging. masarap kainan namin.

pagkakain ay nagkuwentuhan ate loly and tta toya sa kwarto. c tta dely and ate helen nanood ng tv sa muvi rm., kami nla gentry papot ging dimple nag chikahan. yung mga bata nanood ng video kasama trisha. nakatulog tta dely ditche and ate helen sa muvi room...

3pm, merienda tym! nag asikaso c dimple ng tnapay sapinsapin tuna hotcake. mga 430pm na kmi umalis dun. ganda sana biahe eh, kya lang natrapik kami ng 1 hr sa may north cemetry. 7pm na tuloy nagsimba cla tay sa qc. si bwi cnamahan c tit sa ust. ako lang ang di nakasimba kase nagpa reserv ako ng badminton.

hay naku, kung last wk ay 1 win lang ako, ngayng gabi naman ay 0 win ako! hahaha.. kala ko, mananalo na ko sa last game, kakampi c nem, lamang kami, 10-4 kna bwi at seven, tapos biglang tym's up ang court namin! in short, nde natapos ang game kaya wala akong win hehe.. sbi ko kay enciang maglaro na xa uli para may matalo naman ako :D